Cranberries Live in Manila Saturday, Jan 28 2012 

Kagabi pagbukas ko ng facebook account ko, bumulaga sa akin ang shared link ng isang blogger friend na si Canky.

The Cranberries Live In Manila 2012!

My favorite band of all time. As in!

Parang hindi ako makahinga na super hyper to the highest duper level na excitement!

Okay okay okay! OWBER AKTINGS!

Ganito kasi yun….

Dumaan ako sa puberty age na isa sila sa sikat na sikat na banda nung araw.

Sa barkada namin, no one dares to sing sa videoke sa mga kantang Zombie, Ode to My Family at Linger kapag kasama nila ako… ako lang… bilang respeto…

Ahahahahahaha… pinapaubaya na nila sa akin ang kahihiyan ng pagkakalat!

Pero seryoso, sila ang perslab ko sa mga banda/grupo/manganganta na babae ang bokalista… Malaki ang impluwensya nila sa preference ko sa musika. Kaya naging hilig ko ang mga Alternatibong musika na babae ang kumanta.

Sabi nga ni James, yung barkada ng pinsan kong si Kuya Esel, habang ngawa ako ng ngawa ng Linger sa boarding house nila sa Baguio, “Wow pare, kaboses ng pinsan mo si Dolores”

Sa puntong iyon, gusto kong halikan si James. Pero di pa ako nakakaranas ng pers kiss nun kaya sayang naman kung kay James ko maeexperience…

BWAHAHAHAHAHAHA…

Sa sobrang idol ko din sa kanila, i sported the same hairstyle that Dolores had that time. Semi-kalbo!

Si Dolores O'Riordan at Si Dolores Chicharon

Well, it was an accident to have a hair like that… Pero feeling ko nun, itinadhana na sirain ng bakla ang gupit ko nun, para mapangatawanan ko ang pagmamahal ko sa banda nila.

Isang semester din akong ganyan ang gupit, pero dahil hindi ako pinauwi ni Nanay ng sembreak sa Mindoro sa pangambang bibigyan ko sya ng kahihiyan at machismis ako sa bayan namin ng drug addiction, pinahaba ko na ulit sya…

Noong araw na hindi pa uso ang mga CDs, cassette tape pa lang nun na nagkakahalaga ng Php 150.00, iniipon ko ang allowance kong Php 1500 per month para lang makabili ng bago nilang album.

Mula sa album nilang “Everybody Else is Doing It, so why can’t We” na narelease nung 1993 pero nagkaron lang ako nung 1996 hanggang sa mga album nilang “No Need to Argue“, “To The Faithful Departed” at “Bury the Hatchet” meron ako nun. Hindi na lang ako nakapag collect nung mga sumunod pa nilang mga albums at nawala na ako sa limelight.

Ang pinaka naging paborito ko eh yung To The Faithful Departed dahil kabisado ko lahat ng kanta dun. As in, mga kantang patungkol sa mga yumao na…

Nung 4th year highschool kami, sinayaw namin sa Student Encounter ang kantang “I Can’t Be With You”. Naks naman di ba? Me mga moments nung araw na dumadayo kami sa ibang school para magperform.

Performance Level lang!

At alam mo yung habang sinusulat ko eto, kanta ako ng kanta ng  “I Just Shot John Lennon” at “Bosnia”…

Sa kantang “I Just Shot John Lennon” ko nalaman na “it was a fearful night of December 8, he was returning home, from the studio late” ng sya ay mabaril. Nasa lyrics yan men! Kaya nalaman ko na December 8, 1980 ng sya ay madeds. At ang ginamit sa kanya, Smith & Wesson 38.

Hihihihihi… trivia trivia…

Ayun sa shared link, sa April 10 2012 daw ang kanilang concert dun sa Araneta Coliseum… Shocks! Just right on time na nasa Pinas ako ng mga panahong yan… April 1-7 kasi ang grand reunion ng lahi namin sa side ni mudrakels… o di ba?

Noong isang araw kasi, 60/40 na ang desisyon na umuwi ako… 60 sa hindi makakauwi at 40 sa makakauwi…

Bakit kamo?

Kasi nga patapos na naman tong proyekto namin di ba? April na ang soft opening ng dalawang towers at yung casino area. So baka kung gogora ako ng uwi, baka pagbalik ko tigbakan na…Or much worst, baka hindi pa dumarating ang buwan ng April, me notice na kami ng tigbakan. Kumusta naman yun?

Eh alam mo naman kapag umuuwi sa pinas, hindi mo alam kung saan nililipad ang kaperahan. Parang vanish in the thin air lang lagi ang drama. At pag nag-audit ka na, hindi mo mapagtugma ang check and balance churvaness!

Pero 1000% percent ang kagustuhan kong umuwi dahil nga magkakasama sama ulit kaming magkakamag anak. Makikita ko ang mga long lost relatives ko, makakapasyal ulit kami sa majestic islands of Romblon at mamemeet ko na naman ang mga apo ko… Hoping na hindi pa sila lumalandi at wala pa akong apo sa tuhod.

Pero nung makita ko yung balitang pupunta ng Pinas ang The Cranberries, parang right there and then, gusto ko ng magbook ng ticket pauwi…

Gustong gusto ko na rin magbook ng concert ticket sa ticket world online…

Once in a lifetime chance lang to di ba?

Sabi nga ni Eminem – opportunity knocks once in a lifetime yow!

 

Loooong Vacation at ang Lai Si (Red Packet/Hong Bao/Ang Pao) Thursday, Jan 26 2012 

Tapos na nga ang limang araw na bakasyon. Limang araw kasi Saberdey Off, Sunday Off tas yung Lunes hanggang Miyerkules ng holiday.

Nothing fancy happened during those days.

Maliban sa gabi-gabing fireworks na natatanaw ko sa bintana namin, at sa maghapon at magdamag na panonood ng DVD at pagbabad sa online life ko, wala na.

Ang hirap kasi kumilos sa ganitong taglamig. Nakakatamad gawin ang lahat.

Buti na lang at ang supermarket eh nasa baba lang ng flat namin kaya di na ako nag effort na lumayo para bumili ng makakain.

Alam kong mas maraming bansa na mas malamig kesa sa temperatura ng Macau, pero nemen, di nemen ako sanay sa lamig.

Ayaw ko ng taglamig dahil na rin sa mga sakit sakit na nararamdaman ko pag ganitong panahon.

Alam mo yung tipong mapabaling ka lang ng konti sa higaan at maiba ang pwesto eh malamig na space na yung babagsakan mo?

Sa sobrang paghilata ko ata sa loob ng limang araw na walang pasok eh tinubuan na ako ng kalyo sa likod. Hihihihihihi…

At ngayong araw nga na ito, balik trabaho na kami. Eto ang pinaka exciting na araw para sa akin. Ang pababalik trabaho after CNY.

Bakit kanyo?

Eh eto yung panahon na bigayan na ng traditional red packets ng mga kasamahan naming Intsik.

Yehey!

At kanina nga pagpasok na pagpasok ko, inabutan ako ng isang kasama ko sa pantry at syempre Lay-Si #1

Sobrang lamig ang dumating ngayong CNY kaya maswerteng pangitain yun para sa kanila. Kaya ini-expect namin na galante sila ngayon…

At nagkaron ng katuparaaaan ng bonggang bongga!

At sunod sunod na ngang nagbigayan ng mga red, gold at silver na packets.

Traditionally, ibinibigay ito ng mga nilalang na may asawa na sa mga nilalang na single pa. Hindi daw magandang magbibigay ng ganito ang mga singles sabi lang. Para dun naman sa mga may asawa at anak na, ang bibigyan eh yung mga anak… At pansin ko, mas sumusunod sa chinese tradition na ito ang mga Chinese dito kesa sa mga Chinese sa Singapore…

At anong swerte sa katayuan ko?

Single na may dalawang anak! Lets do the math!

Bonggang bongga di ba?

May mga kasamahan ako na ang tanong eh ilan ang anak ko, so tig isa yun… at dahil mas marami sa team na kinabibilangan ko ang Chinese, mas maraming nagbigay sa akin ng extra kesa dun sa iba kong kasamang pinoy… Hihihihihihihi…

Ilan pa lang ang mga nasilip kong sobre, at aba mas bongga nga ang laman kesa sa last year na binigay…

Ang saya saya…

Ganito pala ang pakiramdam ng mga batang namamasko po!

Dahil siguro hindi ako nabigyan ng pagkakataon nung kabataan ko na mamasko, ayan, late bloomer ako…

KUNG HEI FAT CHOY!

Lutong Macau – a Pre-CNY Lunch Celebration Tuesday, Jan 17 2012 

Lafang na naman!

At dahil uber sa galante ang Supervisor namin, kada may okasyon eh nagpapakain sya talaga ng bonggang bongga. Sya yung bisor ko na naikwento ko na rin dati na sa sobrang bait eh pati mga bagay na hindi na namin dapat trabahuhin eh tinatanggap pa rin… Ang bisor ko na kahit na lagi kaming nag aaway dahil sa mga palabada eh mas pinili ko pa ring maging amo sya. Bakit hindi? Eh lagi kaming binubusog hihihihihihihi…

Sya din ang bisor ko na from XL size eh pumayat na sya ng bonggang bongga papuntang small… Akalain mo yown!

Sya ang torn among the beautiful roses of Podium Team. Anim kami sa Podium Team, dalawa silang HongKee at isa lang syang Lalake, tas apat kaming Pinay, sa podium pa lang yan. Sa buong DC team, 7 silang Hongkee, isang Nepali, at 14 na OFWs. O di ba Pinoy Invasion!

Anyway, hindi tungkol sa kanya ang post na ito kundi tungkol ito sa lafangan namin kahapon! Burp!

Masasabi kong “Him Already” ang amo ko sa pagpili ng mga masasarap na lafangan dito sa Macau. Sa isang taon mahigit kong pagtratrabaho sa team nya, limang beses na rin nya kaming naililibre plus yung mga mamahaling cake na dinadala nya sa office… Dahil nga majubis sya last year kaya siguro nasuyod na nya ang mga masasarap na kainan dito at nishi-share lang nya sa amin ang experience.

Sa isang maliit na Portuguese Restaurant nya kami dinala, sa Galo Restaurante, na matatagpuan sa maliit na eskinita ng Old Taipa.

Kung nakakadisappoint na experience yung pa-dinner ng manager namin nung isang araw dahil sa hindi ko feel ang mga pagkain, well well well… simot sarap ang mga pagkain dito… walang tapon!

The pictures below will tell it all!

20120117-214129.jpg

On our way to the venue

20120117-214225.jpg

Deciding what to order

20120117-214334.jpg

Waiting for our food

20120117-214430.jpg

Awesome Interior Design

20120117-214534.jpg

Old Memorabilias

20120117-214631.jpg

Galo Restaurante, Old Taipa, Taipa, Macau

20120117-214702.jpg

Round 1

20120117-214751.jpg

Round 2

20120117-214837.jpg

Waiting for our taxi going back to work

O di ba? sa loob lamang ng isang oras natipas namin ang mga pagkain na yan!

Burp!

Near Yet So Far Tuesday, Jan 17 2012 

Teknikali speaking, nasa Land of Dragons and Chopsticks ako…

At dito rin matatagpuan ang isang wonders of all wonders of the world, ang Great Wall of China na nasa Beijing.

Great Wall of China (Photo courtesy of google)

Sino namang hindi mamamangha sa galing ng mga sinaunang tao noon para maitayo nila ang dingding na ito. Noong araw na hindi pa uso ang mga concrete mixer, lifting equipment at kung ano ano pang imbensyon sa pagtatayo ng isang arkitekturang tulad nito.

Sinong hindi mapapabilib sa mga taong malamang literal na dugo’t pawis ang pinuhunan maitayo lang ang kanilang panangga sa kalaban.

Para sa kabuuang kwento ng history ng Great Wall of China eh pakibisita na lang si Pareng Wiki ng marefresh ang ating kaalaman sa history 101.

At yun na nga, noon pa naman pangarap ko na talagang makatapak ang talampakan ko sa lugar na ito parang isang matinding sidhi ng pagiging makati ang paa na sana balang araw eh marating ko yang lugar na iyan at makapag Jump Shot para may pang profile pic sa facebook.

Hihihihihihi…

At dahil nasa buntot na ng China ang Macau, parang ang dali dali ko ng maabot ang pangarap ko na yan di ba?

Kaso malayo pa rin pala…

Haaay Great Wall, kelan kaya kita mahahagkan!

Yunik Saturday, Jan 14 2012 

Huli pa ata akong nakatanggap ng parangal sa blog eh nung nasa blogspot pa ako… pangalawang bahay ko bago ako nagkadot kom na nagsara na rin tas lumipat na nga ulit ako dito…

Isang patunay na isa akong taong hindi maitali…  =))

So yun nga, me isang blogger na ewan ko kung pano naligaw sa blog ko nung isang araw, at siguro marahil malamang…sige na ngaaaa sure na ngaaaa… nagustuhan nyang magpabalik balik sa aking tahanan… na binigyan ako ng isang award!

Akalain mo yun, muntik na akong madeds dahil tumaba ang puso ko… hihihihihihi… for sure naman dati ng nababalutan ng taba ang puso kong uber dami ng pagtibok, pero mas tumaba pa ito ng marami marami pang fats dahil sa award na ito.

Baka naman sabihin nyo charotera lang ako at di totoo na may award ako… eto kaya o:

Ang Award na Ibinigay ni Pareng Rence

O di ba? Tinatanggap ko naman daw ng buong puso at balunbalunan, lapay, apdo at garaganta…

Kung anu man ang naging basehan nya at nasabi nyang Yunik ako, eh well, SALAMAS KAPATID!

So ang siste, kelangan ko ring ipasa ang award na ito sa mga bloggers na sa tingin ko eh natatangi rin sa aking panlasa at sila ay sinaaaaaa:

1. Powkie -  dahil kapatid ko sya (hahahaha bias)

2. PrincessCha – dahil kapatid ko din (another hahahaha)

3. Jepoy – dahil natutuwa ako sa kanya..kyoteh-kyot-kyot

4. Dyowel – dahil lakwatsero sya

5. GreenPinoy – dahil isa syang natatangi sa larangan ng komedya…hahahaha may ganun

6. Traveliztera – dahil sa pagmamahal nya kay Mayrick at Elmer Jun

7. MotsMots – dahil sa simpleng pagpapahayag sa pamamagitan ng comics ng kanyang araw-araw na buhay

8. Roanne – dahil sa kanyang angking kagandahan (tibo? hahahahaha)

9. Jeck – dahil sa natatangging pag ganap sa Lalaking Tibo role.

10. Glentot – dahil sa aliw factor na dulot nya

11. Great Maldito – dahil sa kanyang abs at pagmumukhang ginaya ni Jhong Hilario

12. MgaEpal.com – dahil natutuwa ako sa kanila

13. DaddyKuri – dahil isa syang hot daddeh hahahahaha

14. Anna Arenas – dahil naaliw din ako sa mga istorya nya kahit di nya alam na reader ako ng blog nya

15. GasolineDude – dahil sa blog roll nyang umaapdeyt sa mga bagong bagong babasahin…hihihihihihi

Gong Xi Fa Cai! Kung Hei Fa Choi! Friday, Jan 13 2012 

At dahil nalalapit na ang selebrasyon ng mga Chinese sa kanilang bagong taon, nagtipon tipon ang mga labandera para isang magarbong lafang…

At kahit na karamihan sa aming mga labandera eh mga pinoy, mas pinili pa rin ng aming amo na magpalafang sa isang Chinese restaurant sa isang eskinita sa Old Taipa Village.

 

Sa pagkain, maraming inorder, pero dahil sa lamesa namin eh mostly pinoy, hindi gaanong nakain yung ibang putahe, hindi tulad sa kabilang lamesa na ubos ng ubos lagi ang mga inilalapag ng waitress… Well, napansin kong mejo mahilig sila sa mga steam steam lang…

Tulad ng steamed egg na akala mo leche flat pero malansa sa panlasa saka yung steamed chicken na kumpleto pa pati yung ulo at tuka sa presentation. Madugo pa yung loob…

 

Me mga masarap din naman in fairness tulad ng sabaw, fish fillet, yung mushroom daw (dahil hindi ko tinikman) saka yung parang lechon kawali na kung tawagin nila eh Su Yuk (not so sure sa spelling)


 

Su Yuk

 

Steamed Chicken & Sweet N Sour Pork

Tortang Hipon & Fish Fillet

 

Hindi yung mga pagkain ang naging highlight para sa akin ng kainang ito, kundi yung suprisang parapol ni Amo ng nakasobre, at well, isa ako sa tatlong nanalo… Hihihihihihi…

Me, Edwin (my boss), Fai & Evelyn

 

Edwin, Me and Karen

 

KUNG HEI FA CHOI! sa mga Cantonese

at sa mga kapatid nating Mandarin, GONG XI FA CAI!

 

Proyekto Thursday, Jan 12 2012 

Nalalapit na naman ang pagtatapos ng aming proyekto…

 

Umaasa na namang may sasalong bagong trabaho kapag nagkatanggalan na naman dito…

 

Eto kasi ang hirap kapag project based ang trabaho, kapag tapos na ang project, malamang sa hindi tapos na rin ang pangangailangan nila sayo…

 

Sa 2nd quarter nga ng taon, magbubukas na yung dalawang hotel na uukupa sa ginagawa naming ito kasabay ng pagbubukas na rin ng panibago na namang casino.

 

Gusto ko sanang magworry, pero parang insulto naman kay Lord kung gagawin ko yun di ba?

 

Ang gusto ko lang naman sabihin, sakaling mangailangan kayo ng macho dancer sa mga susunod na mga araw, wag nyo akong kalimutang alalahanin…

 

Magaling akong gumiling… hiihihihiihihi…

 

Smoke Free Macau Tuesday, Jan 3 2012 

Babala (ang asawa ni Babalu): While I am writing this post, please be informed that the blood transfusion paraphernalias are only within my reach in case of an emergency.

I will be writing in a spokening-dollar language as for those readers, who could not understand Tagalog, who will find their way in this little space of mine (slight balinguyngoy coming up!).

Start!

Smoke-Free Macau is in effect starting 1 January 2012.

Yey for that!

Smoke Free Macau

 

I am one of those who will be benefited and will be delighted with this new law in Macau if it will be implemented strictly.

As you know, I call this place “Smoker’s Paradise”.

Why? This is the only place outside Pinas that I’ve been to that people are allowed to smoke inside the buildings, cafeterias, children’s playground etc.

To tell you, before, people here can smoke even inside an air-conditioned room.

Plus, spitting is also everywhere (pardon to those who are eating right now). Well, it’s also the same in my beloved country wherein dugyot people can even pee on those places with “BAWAL OMEHE, POTOL TETE” signs.

Hope that the next step to a cleaner Macau is to have the No Spitting law. If there is one, well i noticed that its not implemented clearly.

Anyway, back to this Smoke Free Macau thing…

It’s been 3 days that this law was implemented and I can already feel the difference. No more second hand smokes on the bus stops and even in our site canteen. People can only puff their thing on those designated places.

I can enjoy my food now in restaurants without the worry of nicotine coming into my lungs minus the bliss of puffing that yosi!

Being maarte aside, it’s not a good feeling when you inhale the nicotine and tartar and halitosis of those chain-smokers beside you. Really…

STOP!

I can no longer continue as Im running out of blood!

BLAGADAG!

2011 Year Ender Post Sunday, Jan 1 2012 

2011 siguro yung taon na masasabi kong keri lang…

 

Mapacareer man o buhay pag ibig (gumaganun talaga).

 

Walang gaanong drama… Kumbaga, meynteyn lang…

 

May mga pinagdaanang mga moments sa love life, but still, meynteyn pa rin… sa pagkakaalam ko ha…

 

Sa family, may ups and downs.

 

Up – nagkaron kami ng reunion abroad nung earlier month ng taon, except hindi nakasama si mader loo dahil wa nya bet. Guyod kami sa Hongkong at Macau kasama ang mga bata. Yung mga junakis ko at junakis ni jowa, isang bwang nagsama sama dito.

 

Down – yung muntik na akong nawalan ng anak nung later month. Last November 4 kasi nung nalunod si Asuy ko. Thanks God na lang at nakasurvive sya sa tulong ng mga angels sent from above.

 

Noong hindi pa ako umuuwi, base lang sa mga kwento kwento na parang isang iglap lang nangyari ang lahat. Mas madali sigurong ikwento yun ng ganung paraan para di na ako mag alala dito.

 

Pero nung umuwi ako nung December, nakausap ko yung savior nya na si Mang Nards at base na rin sa mga kwento ng mga ilang taong andun sa senaryo, ganito daw most likely ang nangyari.

 

More or less daw mga 20 minutes ng nalulunod yung bata bago namalayan ng mga tao sa paligid.

 

Base yun sa kalkulasyon ni Mang Nards. Nakita daw kasi nyang me bata dun sa salbabida na eroplano, na akala nya marunong lumangoy, kasi me ilan din namang mga tao na andun sa pool, tas later on, napansin nya wala na yung bata. So inisip na lang nya na baka umahon na.

 

Ayun naman dun sa isang binatilyong nasa pool, tatlong balik na raw nya sa paglangoy from dulo sa dulo ng pool, napansin nyang naka taob si Asuy sa pool na parang may sinisilip sa ilalim. Sa pang apat na balik nya, kinabahan na sya bakit hindi pa rin nababago ang posisyon. Kaya paglapit nya saka nya iniahon yung katawan ng bata.

 

May nakapag sabi naman na siguro nga daw nakalubog na yun ng matagal tagal, tas nung may nagdive, saka lumutang yung katawan.

 

Ayun naman kay Nanay, nagtaka sya na may pinagkakaguluhan yung mga tao, at ng sumilip sya sa ilalim, nakita nya yung short ni Asuy at dun na sya nagsisigaw na apo nya yun, apo nya yun.

 

Ayun naman kay Casuy, nakabitaw daw sya dun sa salbabida, tas bigla na lang sumakit ang ulo nya at wala na syang naalala.

 

A tragic day for our family na hindi rin naman hinayaan ni Lord na maging trahedya ng tuluyan.

 

Good thing andun nga si Mang Nards, kapatid nung kaibigan ni nanay na nagseselebra ng kaarawan. It was supposed to be a party party.

 

Si Mang Nards, instructor ng first aide dun sa isang school dun sa amin. Na walang kabalak balak sumama sa event na yun, pero iniadya ng Panginoon na mapunta sya sa kaganapan na yun.

 

Noong iniahon na nga nung binatilyo si Asuy, tamang tama naman na galing sa CR si Mang Nards, at ibinigay ang first aide treatment.

 

Kung wala sya dun, marahil wala na si Asuy. Utang namin ang bagong buhay ni Asuy sa kanya.

 

Walang lifeguard yung resort, wala ding first aider. Kung itinakbo daw sa ospital yun right there and then, hindi makakasurvive yun.

 

Buti na lang talaga.

 

I know I had some few negatives this year, but I also have tons of things to be thankful.

 

Sa finances – mejo nakakabawi na.

 

Tuloy tuloy lang Lord! Salamat po!

 

Ador Friday, Dec 30 2011 

I whined for I have no new shoes,

Until I saw a man, who had no feet!

Marami sa atin ang ganito ang ugali. Andaming reklamo sa buhay buhay. Andaming reklamo sa buhay pero walang ginagawang pagkilos para maiba naman ang sitwasyon.

Madalas nating ikumpara ang mga sarili natin sa ibang tao, which is madalas na dun natin kinukumpara sa mas nakakaangat sa atin.

Bakit tayo mahirap at may mga taong mayaman?

Bakit kung sino pa yung mabigat ang trabaho sya pa ang mababa ang sweldo?

Bakit matangkad sya ako pandak?

Bakit ang tangos ng ilong nya, ako sarat?

Bakit sya sekseh sya tas ako mataba? Okay ako ang may reklamo nyan!

Andami nating reklamo sa buhay na madalas nakakalimutan nating marami pa rin tayong mga bagay na dapat ipagpasalamat kesa sa ireklamo.

Tao nga naman!

Nirereklamo natin masungit na boss, tamad na katrabaho, pahirap na subject sa school, mabungangang nanay, paulit-ulit na ulam, pangit na schedule, gererang girlfriend, mabahong busmates, at marami pang iba…

“BWISIT! TRABAHO NA NAMAN! LUNES NA NAMAN! PAPASOK NA NAMAN!”

Kapatid, buti ka nga may trabaho pa, isipin mo kung ilang milyong tao ang hirap na hirap makahanap ng trabaho, pudpod na ang swelas kakabalik balik sa interview, ubos na ang pera sa pamasahe, and yet bokya pa rin! Kung ayaw mo sa trabaho mo, eh di magresign ka, maraming taong mas nangangailangan nyan.

“PRAYD SIKEN NA NAMAN ANG ULAM???? WALA NA BANG IBA?!?!?!?!”

Kapatid, buti nga at me kinakain ka pa sa plato mo kahit na paulit-ulit pa ang klase ng ulam na niluluto ng nanay mo, ilang milyong tao ba ang maswerte ng masayaran ng tubig man lang ang lalamunan, namamatay sa gutom, pangtawid gutom eh nilagang kamote o gabi o mais?

“ANU BA NAMANG BUNGANGA NG NANAY KO YAN! ARAW ARAW NA LANG PARANG SIRANG PLAKA HINDI NAUUBUSAN NG BATERYA! NAKA ENERGIZER ATA WALANG TIGIL ANG DALDAL”

Kapatid, hindi mo pa ba ipagpapasalamat na may magulang ka pang kasama? Ilang milyong tao ba ang ulila na? ilang milyong tao ba ang hindi na nakamulatan ang mga magulang nila? Ilang milyong tao ba ang sabik sa kalinga at pagmamahal ng ina?

“ANU BA YAN? WALA AKONG BAGONG DAMITNGAYONG PASKO! WALA AKONG BAGONG SAPATOS! WALA AKONG BAGONG GADGETS!”

Hindi tayo nauubusan ng reklamo sa buhay at dahil dito nabubulag na tayong makita ang mga simpleng bagay na dapat nating ipagpasalamat.

Isa-isahin natin, himayin natin ang mga bagay na nangyari sa atin sa nakaraang mga buwan.

Gaano ba tayo pinagpala sa kahit na pinakasimpleng paraan.

Wag nating ikumpara ang sarili natin sa mga taong mas nakakaangat sa atin.

Dahil kung ganito ang magiging pananaw natin sa buhay, tayo na siguro ang pinaka kawawang nilalang.

Next Page »

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.