Lafang na naman!
At dahil uber sa galante ang Supervisor namin, kada may okasyon eh nagpapakain sya talaga ng bonggang bongga. Sya yung bisor ko na naikwento ko na rin dati na sa sobrang bait eh pati mga bagay na hindi na namin dapat trabahuhin eh tinatanggap pa rin… Ang bisor ko na kahit na lagi kaming nag aaway dahil sa mga palabada eh mas pinili ko pa ring maging amo sya. Bakit hindi? Eh lagi kaming binubusog hihihihihihihi…
Sya din ang bisor ko na from XL size eh pumayat na sya ng bonggang bongga papuntang small… Akalain mo yown!
Sya ang torn among the beautiful roses of Podium Team. Anim kami sa Podium Team, dalawa silang HongKee at isa lang syang Lalake, tas apat kaming Pinay, sa podium pa lang yan. Sa buong DC team, 7 silang Hongkee, isang Nepali, at 14 na OFWs. O di ba Pinoy Invasion!
Anyway, hindi tungkol sa kanya ang post na ito kundi tungkol ito sa lafangan namin kahapon! Burp!
Masasabi kong “Him Already” ang amo ko sa pagpili ng mga masasarap na lafangan dito sa Macau. Sa isang taon mahigit kong pagtratrabaho sa team nya, limang beses na rin nya kaming naililibre plus yung mga mamahaling cake na dinadala nya sa office… Dahil nga majubis sya last year kaya siguro nasuyod na nya ang mga masasarap na kainan dito at nishi-share lang nya sa amin ang experience.
Sa isang maliit na Portuguese Restaurant nya kami dinala, sa Galo Restaurante, na matatagpuan sa maliit na eskinita ng Old Taipa.
Kung nakakadisappoint na experience yung pa-dinner ng manager namin nung isang araw dahil sa hindi ko feel ang mga pagkain, well well well… simot sarap ang mga pagkain dito… walang tapon!
The pictures below will tell it all!
O di ba? sa loob lamang ng isang oras natipas namin ang mga pagkain na yan!










sarap sarap naman nyan!! sana nagbalot ka pa pauwi,hihihi
kasarap nga sana, kaso si amo simot ng simot sa tinitira naming etiket…
hahahahaha…
para sana i tapaw na namin yung mga tira…
from XL to S??? gusto kong makilala ang boss mo now na!! nang makahingi ng tips pano nangyari yan hahaha…Happy (Chinese) new year
oo nette, trulalu, majinboo ang tawag sa kanya dati dahil nga anlaki nya…
tas ngayon, flat na ang tummy…
nagherbalife kasi…until now may maintenance sya ng herbalife…
ang mahal nga lang kasi tas magreplace ka ng 2 meals mo para sa shake…
pero effective…
andami na nga nagheherbalife dito eh… dahil sa kanya…
Kung Hei Fat Choy!
ate, parang nananaba ka ulit? HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHA
ala-ahoy!
di naman ako pumayat ih…
nakakapili lang dati ng umaanggulong larawan kaya gay-un!
MATABA KA PA RIN. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH