Tapos na nga ang limang araw na bakasyon. Limang araw kasi Saberdey Off, Sunday Off tas yung Lunes hanggang Miyerkules ng holiday.

Nothing fancy happened during those days.

Maliban sa gabi-gabing fireworks na natatanaw ko sa bintana namin, at sa maghapon at magdamag na panonood ng DVD at pagbabad sa online life ko, wala na.

Ang hirap kasi kumilos sa ganitong taglamig. Nakakatamad gawin ang lahat.

Buti na lang at ang supermarket eh nasa baba lang ng flat namin kaya di na ako nag effort na lumayo para bumili ng makakain.

Alam kong mas maraming bansa na mas malamig kesa sa temperatura ng Macau, pero nemen, di nemen ako sanay sa lamig.

Ayaw ko ng taglamig dahil na rin sa mga sakit sakit na nararamdaman ko pag ganitong panahon.

Alam mo yung tipong mapabaling ka lang ng konti sa higaan at maiba ang pwesto eh malamig na space na yung babagsakan mo?

Sa sobrang paghilata ko ata sa loob ng limang araw na walang pasok eh tinubuan na ako ng kalyo sa likod. Hihihihihihi…

At ngayong araw nga na ito, balik trabaho na kami. Eto ang pinaka exciting na araw para sa akin. Ang pababalik trabaho after CNY.

Bakit kanyo?

Eh eto yung panahon na bigayan na ng traditional red packets ng mga kasamahan naming Intsik.

Yehey!

At kanina nga pagpasok na pagpasok ko, inabutan ako ng isang kasama ko sa pantry at syempre Lay-Si #1

Sobrang lamig ang dumating ngayong CNY kaya maswerteng pangitain yun para sa kanila. Kaya ini-expect namin na galante sila ngayon…

At nagkaron ng katuparaaaan ng bonggang bongga!

At sunod sunod na ngang nagbigayan ng mga red, gold at silver na packets.

Traditionally, ibinibigay ito ng mga nilalang na may asawa na sa mga nilalang na single pa. Hindi daw magandang magbibigay ng ganito ang mga singles sabi lang. Para dun naman sa mga may asawa at anak na, ang bibigyan eh yung mga anak… At pansin ko, mas sumusunod sa chinese tradition na ito ang mga Chinese dito kesa sa mga Chinese sa Singapore…

At anong swerte sa katayuan ko?

Single na may dalawang anak! Lets do the math!

Bonggang bongga di ba?

May mga kasamahan ako na ang tanong eh ilan ang anak ko, so tig isa yun… at dahil mas marami sa team na kinabibilangan ko ang Chinese, mas maraming nagbigay sa akin ng extra kesa dun sa iba kong kasamang pinoy… Hihihihihihihi…

Ilan pa lang ang mga nasilip kong sobre, at aba mas bongga nga ang laman kesa sa last year na binigay…

Ang saya saya…

Ganito pala ang pakiramdam ng mga batang namamasko po!

Dahil siguro hindi ako nabigyan ng pagkakataon nung kabataan ko na mamasko, ayan, late bloomer ako…

KUNG HEI FAT CHOY!