Kagabi pagbukas ko ng facebook account ko, bumulaga sa akin ang shared link ng isang blogger friend na si Canky.

The Cranberries Live In Manila 2012!

My favorite band of all time. As in!

Parang hindi ako makahinga na super hyper to the highest duper level na excitement!

Okay okay okay! OWBER AKTINGS!

Ganito kasi yun….

Dumaan ako sa puberty age na isa sila sa sikat na sikat na banda nung araw.

Sa barkada namin, no one dares to sing sa videoke sa mga kantang Zombie, Ode to My Family at Linger kapag kasama nila ako… ako lang… bilang respeto…

Ahahahahahaha… pinapaubaya na nila sa akin ang kahihiyan ng pagkakalat!

Pero seryoso, sila ang perslab ko sa mga banda/grupo/manganganta na babae ang bokalista… Malaki ang impluwensya nila sa preference ko sa musika. Kaya naging hilig ko ang mga Alternatibong musika na babae ang kumanta.

Sabi nga ni James, yung barkada ng pinsan kong si Kuya Esel, habang ngawa ako ng ngawa ng Linger sa boarding house nila sa Baguio, “Wow pare, kaboses ng pinsan mo si Dolores”

Sa puntong iyon, gusto kong halikan si James. Pero di pa ako nakakaranas ng pers kiss nun kaya sayang naman kung kay James ko maeexperience…

BWAHAHAHAHAHAHA…

Sa sobrang idol ko din sa kanila, i sported the same hairstyle that Dolores had that time. Semi-kalbo!

Si Dolores O'Riordan at Si Dolores Chicharon

Well, it was an accident to have a hair like that… Pero feeling ko nun, itinadhana na sirain ng bakla ang gupit ko nun, para mapangatawanan ko ang pagmamahal ko sa banda nila.

Isang semester din akong ganyan ang gupit, pero dahil hindi ako pinauwi ni Nanay ng sembreak sa Mindoro sa pangambang bibigyan ko sya ng kahihiyan at machismis ako sa bayan namin ng drug addiction, pinahaba ko na ulit sya…

Noong araw na hindi pa uso ang mga CDs, cassette tape pa lang nun na nagkakahalaga ng Php 150.00, iniipon ko ang allowance kong Php 1500 per month para lang makabili ng bago nilang album.

Mula sa album nilang “Everybody Else is Doing It, so why can’t We” na narelease nung 1993 pero nagkaron lang ako nung 1996 hanggang sa mga album nilang “No Need to Argue“, “To The Faithful Departed” at “Bury the Hatchet” meron ako nun. Hindi na lang ako nakapag collect nung mga sumunod pa nilang mga albums at nawala na ako sa limelight.

Ang pinaka naging paborito ko eh yung To The Faithful Departed dahil kabisado ko lahat ng kanta dun. As in, mga kantang patungkol sa mga yumao na…

Nung 4th year highschool kami, sinayaw namin sa Student Encounter ang kantang “I Can’t Be With You”. Naks naman di ba? Me mga moments nung araw na dumadayo kami sa ibang school para magperform.

Performance Level lang!

At alam mo yung habang sinusulat ko eto, kanta ako ng kanta ngĀ  “I Just Shot John Lennon” at “Bosnia”…

Sa kantang “I Just Shot John Lennon” ko nalaman na “it was a fearful night of December 8, he was returning home, from the studio late” ng sya ay mabaril. Nasa lyrics yan men! Kaya nalaman ko na December 8, 1980 ng sya ay madeds. At ang ginamit sa kanya, Smith & Wesson 38.

Hihihihihi… trivia trivia…

Ayun sa shared link, sa April 10 2012 daw ang kanilang concert dun sa Araneta Coliseum… Shocks! Just right on time na nasa Pinas ako ng mga panahong yan… April 1-7 kasi ang grand reunion ng lahi namin sa side ni mudrakels… o di ba?

Noong isang araw kasi, 60/40 na ang desisyon na umuwi ako… 60 sa hindi makakauwi at 40 sa makakauwi…

Bakit kamo?

Kasi nga patapos na naman tong proyekto namin di ba? April na ang soft opening ng dalawang towers at yung casino area. So baka kung gogora ako ng uwi, baka pagbalik ko tigbakan na…Or much worst, baka hindi pa dumarating ang buwan ng April, me notice na kami ng tigbakan. Kumusta naman yun?

Eh alam mo naman kapag umuuwi sa pinas, hindi mo alam kung saan nililipad ang kaperahan. Parang vanish in the thin air lang lagi ang drama. At pag nag-audit ka na, hindi mo mapagtugma ang check and balance churvaness!

Pero 1000% percent ang kagustuhan kong umuwi dahil nga magkakasama sama ulit kaming magkakamag anak. Makikita ko ang mga long lost relatives ko, makakapasyal ulit kami sa majestic islands of Romblon at mamemeet ko na naman ang mga apo ko… Hoping na hindi pa sila lumalandi at wala pa akong apo sa tuhod.

Pero nung makita ko yung balitang pupunta ng Pinas ang The Cranberries, parang right there and then, gusto ko ng magbook ng ticket pauwi…

Gustong gusto ko na rin magbook ng concert ticket sa ticket world online…

Once in a lifetime chance lang to di ba?

Sabi nga ni Eminem – opportunity knocks once in a lifetime yow!