Let us all pray sa mga sperm at egg cell na naabort kahapon… Hihihihihii…

At syempre, marami na namang ipapanganak sa November… Hihihihihihi…

Nakikini-kinita ko na ang senaryo sa lobby ng Sogo Hotel kahapon, punum-puno ang mga waiting cubicles at standing room na sa lobby… hihihihihihihihi…

Araw ng mga puso, kuskusan ng mga nguso… yan ang sabi sa akin ng junakis ko na si Tetay… malamang natutunan sa aming inay… Hihihihihihihihi…

Well for sure hype na hype ang aura sa pinas kahapon… pero dito sa land of chopsticks and dragons eh parang wala lang… hahahahahahaha…

Di sya kasing garbo ng selebrasyon sa pinas na kahit saang panig ka pumaling eh mga puso at pula ang makikita mo…

Well, kanya-kanyang kultura lang siguro yan…

Ngapala, segue lang, may konting liwanag na akong natatanaw tungkol sa isyu na ito. Kapag nagkaron na talaga ng mas malinaw na resulta, saka ko ikwento ang buong detalye. Excited na nga ako eh..

Back to our regular programming… eto nga kahapon eh nag dine out kami ni Dudung, pinilit ko syang idate ako…

Bakit, kanya-kanyang brasuhan lang yan… Bwahahahahaha…

Gusto ko sana magjapanese cuisine kaso punuan na yung unang dalawang jap resto na pinuntahan namin kaya pinili na lang namin sa Frutarian sa Taipa. Mura kasi dito. Sa limang putahe na inorder namin eh nagbayad lang si Dudung ng MOP 156. Masarap din…

Tulaley ang taya... hihihihihihi

Ang mga pagkain

 

Umorder si Dudung ng Flaked Chicken with rice at saka yung sparagus wrapped in meat… At dahil diet ako nag order ako ng Mushroom & Bacon Carbonara, Shrimp Spring Roll at saka Caesar Salad… O di ba ang konti… hihihihihihi…

Enjoy!

Ang nangyari, nakihingi pa ako dun sa asparagus ni Dudung, sarap kasi eh…

Burp!

Nakakahiya namang magtira di ba? Andaming di kumakain tas mag aaksaya ka lang ng pagkain, kaya dapat ultimo garnishing eh kakainin mo… Hihihihihihihi…

Masama ang loob ni Dudung dahil naubusan sya masyado… Hihihihihihii…

HAPPY VALENTINES DAY!