K + 12 Thursday, Feb 16 2012 

Nabalitaan ko na nga itong bagong programa para sa edukasyon ng mga mamamayang pinoy.

As usual, kapag may bagong ganap, maraming magrereact. May positibo at may negatibo.

Hindi ko alam kung dahil tutulog-tulog lang ako sa pansitan o talagang hindi ganun kalaganap ang awareness program nila, pero nabalitaan ko na lang isang araw na parang ipapatupad na ata ito starting SY 2012-2013.

Apektado na ang mga incoming freshman sa June (SY 2012-2013).

Masyado kasing ukupado ng balita ang dramahan sa mga kayamanan ni Chief Justice Corona at ang tampuhang Hayden at Vicki Belo kaya parang di ganun nag surface out ang balitang K+12 Program ng DECS.

O baka naman maling channel lang ang tinututukan ko.

Kung ano man yan, syempre di ako magpapahuli sa kuro-kuro ko.

Baka kasi isipin ng dalawang mambabasa ko na puro pagkain lang ang inaatupag kong iblog.

Hihihihihihi…

Para mas malaman mo kung ano nga ba itong Enhanced K+12 Basic Education Program ng Pilipinas eh pakiclick lang itong asul na talata na ito.

Sa aking pagkakaintindi, parang ganito din ang sistema ng edukasyon sa Singapore. Pero yung 2 years na Senior High School o kung tawagin sa Singapore eh Junior College, eh parang yung kasalukuyang Vocational/Technical Courses sa Pinas na pwedeng kunin ng mga kabataang walang sapat na pera para pambayad ng matrikula sa kolehiyo.

Ayun din sa aking pagkakaintindi, sa ilalim ng K+12 Program, yung mga subject sa Senior HS eh parang yun ding ini-o-offer ng mga colleges and universities na subjects sa 1st & 2nd year… General Education kumbaga…

Sa aking karanasan noong kolehiyo, pare-pareho lang naman ang subjects ng mga Engineering students sa 1st & 2nd year tas sa 3rd year na lang magkakatalo kung anong major ang kukunin mo.

So anong kaibahan nyan sa bagong programa na ito?

Sa Singapore, pagkatapos nila ng Junior College (JC), pwede na silang magdecided kung itutuloy pa nila sa University ang kanilang pag aaral o hindi. Pwede na rin silang mag apply ng trabaho pagkatapos ng JC nila.

Ganun din ba ang mangyayari sa enhanced system natin?

Tingin ko naman, opinyon ko lang, hindi naman yung standard ng education natin ang may problema kung bakit maraming unemployed. Ang problema talaga eh yung kakulangan ng oportunidad sa bansa natin para sa mga graduates.

Kasi ilang dekada na rin naman tayong nagproproduced ng mga de kalidad na nilalang, yun nga lang, madalas sa ibang bansa naipapakita ang talento at talino na ito.

Hindi mapakinabangan ng ating bansa ang ating human resources. Bakit? Dahil obviously, ibang bansa ang nakikinabang dito.

Saksi ako kung panong sa mga mega construction overseas eh karamihan ng mga technical personnel eh mga pinoy.

Sa larangan ng medisina, namamayagpag din ang mga pinoy.

Sa larangan ng arkitektura, hindi naman magpapatalo ang galing ng pinoy.

Sa larangan ng entertainment at arts, may tatalo ba sa pinoy?

Sa larangan ng care-giving, may mas maalaga pa ba kesa sa pagkalinga ng pinoy?

World class talents kumbaga… na madalas ang makinabang eh ibang nasyon.

Dahil hindi mabigyan ng magandang oportunidad sa sariling bansa.

I, for one, is a great example of world class talent, who’s sharing her skills overseas!

CHOS!

Joke lang yun wag seryosohin…

Ayun sa link sa taas, tayo na lang daw sa asya ang may 10 year basic education program.

Weno ngayon????

Kelangan ba gaya gaya?

Ganun ba talaga katindi ang pangangailangan na gawin ito?

Pagkatapos ba ng Senior High School makakakuha na ng matinong trabaho ang mga ito, TULAD NG IBANG BANSA SA ASYA?

Ewan lang natin…

The Story of Ugly Duckling Monday, Sep 8 2008 


Sinong mag aakala na ang alamat ng pangit na itik ay nangyayari pa.
Sinong mag aakala na ang isang gusgusin, ulikba at uhuging bata nung araw ay magiging isang Josa ngayon.

Pasintabi ke KDR sa pagiging Silvertoes ko…Nyahahaha… At pasintabi na rin ke Jeck dahil sa harap harapang panlalait sa akin sa pagiging Josa ng Katigangan.

Meet Lyzius Circa 1995

Meet Lyzius Circa 2007

Meet Lyzius Circa 2008


It is indeed fine-polished by time and experience…

Bwahahahaha

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 990 other followers