Lutong Macau – 2 Kitchen Restaurant Friday, Mar 2 2012 

Eto mainit init pa… Kani-kanina lang nung nagkayayaan kaming mga SG peepholes na mag lunch out at ng masayaran naman ng kakaibang putahe ang aming mga bituka.

Tutal naman Friday at namiss na ang Friday Lunch Out namin sa Lau Pa Sat nung asa Singapore pa kami.

Our lunch of course is courtesy of Khing, since sya ang lalake kaya sya ang manglilibre!

Hihihihi…

Originally, we planned to have our lunch out na lang sana sa Venetian, bilang pinakamalapit sa amin. Pero dahil si Khing daw ang maglilibre kaya sya ang pipili.

May point naman sya. Eh isa lang naman kaming hampas lupang naghahanap ng libreng chibug kaya choosy pa ba kami?

Dinala nya kami sa “2 Kitchen Restaurant” na nasa Ave Dr Sun Yat Sen.

2 Kitchen Restaurant

Malapit lang yun sa dati naming flat pero ewan ko kung bakit di namin nasubukang kumain dun dati.

Maganda ang ambiance, malinis ang paligid, hindi mo iisiping one of those puchu-puchu na kainan ng mga chekwa.

Mukhang masarap din ang mga pagkain at presyong sapat lang…

Menu

Matapos kaming umorder ng aming lalafangin, magpapatumpik tumpik pa ba kami sa cam-whoring?

Syempre hindi!

This is Khing - young and single!

Ang aming taya, si Khing!

Well, he is our bachelor # 1.  Assistant Resident Architect ng isang prominenteng Architectural Consultancy. Single and ready to mingle… That’s our Bachelor # 1 – Khing!

Michelle My Belle

And now ladies and gentlemen! Our bachelorette # 1, Michelle! Fierce, Fresh and Fashionable! Our bachelorette for today hails from Cabanatuan Citeh! Again Ms Michelle Not your Belle!

Ahihihihihihi…

Syempre dahil ako ang bida dito, di na ako maglalagay pa ng pichur ko… baka naman mauta na kayo.

Group Picture na lang

Dahil nabwisit na yung waiter kakapakuha namin ng group picture, isinerve na nila ang pagkain namin. Kesa nga naman gawin pa naming studio ang restaurant nila.

Ang Kubyertos

Ang kyot ng kubyertos nila o. Parang ansarap ibulsa!

Ang Iced Lemon Tea at Arnibal

Masarap ang iced tea nila… It reminds me of Heaven N Eggs Iced Tea sa pinas.

Sole Fillet in Lemon Sauce

Mejo matamlay lang ang kulay pero don’t judge the food by its color! Kasi masarap naman sya.

Stir Fried Udon in Satay Sauce

Yan ang inorder ko, ang pansit na ubod ng dami… Pero masarap sya ha in fairness!

Fried Squid Tentacles

 

Masarap ang luto nila. Yung sarap na pwede mong irekomenda sa iba at babalikan mo pa.

Kaya naman ang resulta:

Burp! Burp! Burp!

 

TIPAS!

 

Lutong Macau – a Pre-CNY Lunch Celebration Tuesday, Jan 17 2012 

Lafang na naman!

At dahil uber sa galante ang Supervisor namin, kada may okasyon eh nagpapakain sya talaga ng bonggang bongga. Sya yung bisor ko na naikwento ko na rin dati na sa sobrang bait eh pati mga bagay na hindi na namin dapat trabahuhin eh tinatanggap pa rin… Ang bisor ko na kahit na lagi kaming nag aaway dahil sa mga palabada eh mas pinili ko pa ring maging amo sya. Bakit hindi? Eh lagi kaming binubusog hihihihihihihi…

Sya din ang bisor ko na from XL size eh pumayat na sya ng bonggang bongga papuntang small… Akalain mo yown!

Sya ang torn among the beautiful roses of Podium Team. Anim kami sa Podium Team, dalawa silang HongKee at isa lang syang Lalake, tas apat kaming Pinay, sa podium pa lang yan. Sa buong DC team, 7 silang Hongkee, isang Nepali, at 14 na OFWs. O di ba Pinoy Invasion!

Anyway, hindi tungkol sa kanya ang post na ito kundi tungkol ito sa lafangan namin kahapon! Burp!

Masasabi kong “Him Already” ang amo ko sa pagpili ng mga masasarap na lafangan dito sa Macau. Sa isang taon mahigit kong pagtratrabaho sa team nya, limang beses na rin nya kaming naililibre plus yung mga mamahaling cake na dinadala nya sa office… Dahil nga majubis sya last year kaya siguro nasuyod na nya ang mga masasarap na kainan dito at nishi-share lang nya sa amin ang experience.

Sa isang maliit na Portuguese Restaurant nya kami dinala, sa Galo Restaurante, na matatagpuan sa maliit na eskinita ng Old Taipa.

Kung nakakadisappoint na experience yung pa-dinner ng manager namin nung isang araw dahil sa hindi ko feel ang mga pagkain, well well well… simot sarap ang mga pagkain dito… walang tapon!

The pictures below will tell it all!

20120117-214129.jpg

On our way to the venue

20120117-214225.jpg

Deciding what to order

20120117-214334.jpg

Waiting for our food

20120117-214430.jpg

Awesome Interior Design

20120117-214534.jpg

Old Memorabilias

20120117-214631.jpg

Galo Restaurante, Old Taipa, Taipa, Macau

20120117-214702.jpg

Round 1

20120117-214751.jpg

Round 2

20120117-214837.jpg

Waiting for our taxi going back to work

O di ba? sa loob lamang ng isang oras natipas namin ang mga pagkain na yan!

Burp!

Singkwenta Y Kwatro Wednesday, Oct 12 2011 

Singkwenta y kwatrong tulog na lang… lalapat ang paa ko sa lupain ng Clark hihihihihihi…

 

Andami ko ng panaginip para sa pagkikita naming muli ng mga mahal ko sa buhay.

 

Andami ko ng naiisip na gagawin na kelangang pagkasyahin sa anim na araw na pamamalagi ko sa bayan kong sinilangan.

 

Andami kong booking ng mga taong kikitain ko, mga taong di ko pa nakikita na sabik na sabik ng masilayan ang angkin kong kagandahan, mga taong matagal ko ng di nakikita na sabik na sabik ng makipagchismisang muli sa akin. Don’t worry beybeh marami akong baong chismis. Hihihihihihihihi… At lahat ng meet and greet moments eh pagkakasyahin ko sa isang araw lang. Ako na ang kukuracha.

 

As usual, quicky na naman ang pag uwi ko. Yan ang disadvantage kapag nasa South East Asia (SEA) lang ang job order mo… Ahihihihi job order daw…

 

Unlike kapag nasa Middle East, Europe, Emerica, North Pole o Timbuktu eh aabot ng buwan ang magiging pamamalagi mo sa Pilipins…

 

Ang advantage naman naming nasa SEA lang, makakauwi kami anytime na gustuhin namin (salamat sa budget airlines), short haul ang flight at maiksing panahon lang ang pagkakagastusan sa Pinas… Yeheeeey!

 

Pag kasi more than 2 weeks ng nasa pinas ang balikbayang OFW, sigurado yan kating kati ng bumalik sa pinanggalingang bansa dahil ubos na ang kaban ng yaman na inipon para lang waldasin sa pag uwi galore.

 

Naiimagine ko na rin ang pagkain sa Jollibee ng chikenjoy, sa Goldilocks ng puto at dinuguan, sa Razon’s ng halo-halo at Mang Inasal ng kanilang eat all you kaninnnnnnnn.

 

Naiimagine ko na rin ang lutong humba ng nanay ko. Yung nanginginig nginig pang taba ng baboy, dila at tenga na ilalahok nya sa humba… YAAAAMEEEEEH!

 

At syempre ang maliliit na yakap at halik na dadapo sa masebong katawan ko mula sa mga butandings.

 

Walong bilog ng buwan ko din silang hindi nakasama. At ako nama’y excited ng talaga…

 

Kape! Kape! Friday, Sep 23 2011 

Late bloomer ako sa pagkahilig sa kape. Or sa kahit anumang mainit na inumin sa umaga paggising.

Mas nasanay kasi ako na malamig na tubig ang laman ng tyan kahit umagang umaga.

Nung napunta ako sa Dubey, usong uso dun ang tsai kung tawagin ng mga urdu. Yung tea na may gatas, at nagustuhan ko yun. Simula nun, parang nasanay na rin ang sikmura ko na nalalapatan ng something warm sa umaga.

Kaso one time, me nabasa akong artikol na kaya daw ang mga brits eh malalaking tao kumpara sa mga chekwa, dahil daw yun sa paglalagay nila ng gatas sa kanilang tsaa.

Mas nakakataba daw yun.

So figure conscious that I am (???????????) tinigil ko ang pag inom ng tsai.

Nung nalipat ako sa Singapore, natikman ko naman ang teh tarik na tinatawag nila.

Milk tea din sya in some way, pero may espesyal na paraan ang mga indiano sa pagtimpla nun. Yun yung pinagbabalibagan nila mula sa isang pitsel papunta sa kabilang pitsel yung mainit na mainit na milk tea.

May aliw factor yung panonood kung pano nila timplahin. At dahil siguro may hangover ka pa sa pagkaaliw, may ngiti ka pa sa mga labi mo habang humihigop ng masarap na teh tarik.

Matapos kong maadik adik sa teh tarik, naipakilala naman sa akin ng mga kaibigan ko sa singapuri ang White Coffee.

Ansarap meyn!

Lalo na yung hazelnut flavor. Natural na lasa na daw ng white coffee ang nutty taste nito pero mas pinasarap pa sya ng hazelnut.

larawan mula kay google

Eto yung brand na sinasabi ko. Nagmula sa bansang Malaysia ang Old Town Coffee. Coffee shop sya na naglaon nilagay na rin nila sa mga instant sachet ang produkto nila.

Sabi pa rin ni pareng google, mas matapang ang caffeine ng white coffee kesa sa black coffee pero mas swabe ang lasa. Walang pait factor.

Kaya sa mga coffee addict, mas mataas ang dosage nito meyn! Todits na tayo repapips.

Sa ngayon, malayo na ako sa bansang Melayu at Singapuri, pero hinahanap hanap ko pa rin ang kapeng ito.

Meron naman sa mga shop dito, pero asahan mong doble ang presyo.

Kaya nanawagan ako sa mga kaibigan kong may mabuting kalooban, padalhan nyo naman ako dito.

Hihihihihihi…

Trenta Y Dos Monday, Jun 20 2011 

This time of the year, wala na sa kalendaryo ang edad ko. Sino ba kasing nagpauso na kelangan sa kalendaryo ibilang ang edad e uso na rin naman siguro nung panahon ni mahoma ang BINGO. So sa bingo ko na lang ibibilang ang edad ko…hanggang 75 yun di ba?

Sa puntong ito ng buhay ko, gusto kong alalahanin at magpasalamat sa mga taong kung hindi dahil sa kanila wala ako dito…

Unang una, ang Nanay at Tatay ko. Si Mang Mario at Aling Fely. Kung di dahil sa sperm at egg cell nilang nagtagpo at naglandian sa loob ng sinapupunan ng inay, eh walasana ako ngayon. At sa buong tapang na pag iri ng nanay ko sa tulong lamang ng kumadrona sa kabila ng pagiging suhi at blue baby ko. Naging ina na rin ako at naranasan ko na ring manganak, pero di ko maimagine kung panong dinukot ako ng midwife sa loob ng pwerta ni nanay para lang isaayos ako sa pwesto. Noong araw na hindi pa uso ang ultrasound, hindi nila akalain na una ang paa ng cute na cute na baby sa sinapupunan ni Nanay. Hindi rin nila alam na patay na ang baby sa loob.

Para sa lakas ng loob at matinding kagustuhang makapaglabas sya sa mundo ng isang sanggol na pagkaganda ganda. At sa solong pagtataguyod sa aming apat sa kabila ng hirap ng buhay at maagang paglisan ng inyong katuwang, napatapos nyo kami ng pag-aaral, napakain at nadamitan sa sarili nyo pong paraan. Sa pagtupad sa sinumpaan nyong pagmamahalan ni Tatay, na hanggang kamatayan ang inyong pagmamahalan.

HINDI SAPAT ANG SALAMAT, PERO YUN LANG ANG MAARI KONG MASABI DITO SA BLOGOSPHERE. Nawa’y maibalik namin ang lahat lahat sa inyo ng siksik,liglig at umaapaw sa simple naming paraan.

Pangalawang nilalang, sina Casuy at Tetay. Dahil sa inyo, naiba ang takbo ng buhay ko at naiba ang pananaw ko sa mundo. Kung noong araw puro sarili ko lang ang iniisip ko, nabigyan na ako ngayon ng pagkakataon na maging self-less. Iba pala talaga nagagawang magic ng pagkakaron ng mga supling. Pinakaproud akong ina, na kahit magkaibang itlog ang pinanggalingan nyo, iisang kepyas naman ang nilabasan nyo. Umaasa akong sa paglaki nyo eh magmamahalan kayong buong buo na hindi iisipin na magkaiba kayo ng apelyido.

Hindi ko naman kinakahiya ang love story ko, pero hindi ko rin naman to pinagmamalaki…

This is the gift that was given to me by God, a gift that comes in a unique package.

Mejo may twist lang talaga siguro yung gift of life na ito sa akin.

Kung yung iba malandi ang tingin sa akin, isa lang ang masasabi ko, nagmahal lang ako…

NAKS!

Nagmahal lang ako ng mga MALING LALAKE.

Siguro nga rin malandi ako pero slight lang…

Masasabi ko lang na malandi yung mga taong sabay sabay kung manlalake. Yun talagang malandi yun, para naman ipagtanggol ko ang sarili ko sa silent accussations (me ganun), one guy at a time naman ako.

Ang malalande yung me jowa na nga, jojowa pa…di bah!

Okay back to regular programming…

Kahit naman magulo pa sa bulbol ang nakaraan ko, marami pa rin naman akong dapat ipagpasalamat sa mga taong hindi naging maganda ang contributions sa buhay ko.

Dahil sa mga sperm donors ko, meron ako ngayong Casuy at Tetay.

Nagpapasalamat ako dahil hindi ko na jowa ang chaka kong sperm donor #1. Iniligtas ako ni Lord sa araw araw na pag gising na chaka ang mukhang magigisnan ko. O di ba malaking bagay na dapat ipagpasalamat yun. Saka kung sya pa rin ang jowa ko ngayon, baka kandakuba na ako sa pagtratrabaho, me excess baggage pa akong mama’s boy at walang back bone. And wait, theres more, sa kabila ng pagiging chaka nun, eh napaka chickboy din… Akalain mo namang malusutan ko ang sitwasyon na yun sa piling nya. THANK YOU LORD! MWAH! Recently nga, nabalitaan ko lang, na after pala naming maghiwalay, nakajontis din ang kumag…at yung bata eh mag aaral na this year, err nag aral na pala nung nakaraang pasukan… nganaman, me gana pa syang magkalat ng lahi eh wala naman syang K bumuhay ng life….haissst!

Nagpapasalamat din ako na hindi ko na jowa si Sperm Donor #2. Gwapings nga sya pero kamay na bakal naman, literally. Nalusutan ko ang buhay ng isang buttered vegetable…Ahihihihii… Buti na lang binigyan ako ni Lord ng bonggang lakas ng loob at tibay ng katawan at pag iisip na makawala sa madilim na bahagi ng buhay ko na yan. Ika nga, I SURVIVED!

Kung noon, masyadong madaming grudges and hatred na namumuo sa puso ko, lahat yan unti unti ko ng inaalis…

Noon, lahat ng taong sangkot ang sinisisi ko sa naging kapalaran ko.

Nakalimutan kong tingnan ang sarili ko. Nakalimutan kong buntunan ng sisi ang mga aksyon na ginawa ko. Ang mga decisions ko.

Wala namang ibang dapat sisihin nun kundi ako lang din.

Nagpapasalamat din ako sa mga duuudes ng life ko… Ang tatlo kong kapatid na baklita at hitad…

Di naman lahat nabibiyayaan ng mga kapatid na tulad nila.. Naks naman… magkakalayo man kami pero anjan naman ang bawat isa para sa isat isa…puro na lang isa ang nasabi ko…

Anjan sila para mang asar, mang asar, anu pa ba? Bakit ganun? Puro pang aasar lang nila naalala ko sa aking memory….

Basta, di naman namin akalain na magiging closeness din kaming magkakapatid, sa tindi ng mga away na pinagdaananan namin nung mga bata pa kami… Andung hiwain ako ng blade ng ate ko sa likod, o kaya suntukin ko ang dede nya, o kaya suntukin din nung sumunod sa akin ang dede ko… mga ganung eksena… Karinyo brutal na pagmamahalan ng mga magkakapatid.

Sa lahat ng mga kaibigan ko, na walang sawang sumusuporta sa lahat ng aspeto ng buhay ko, lalong lalo na nung mga panahong tinakasan na ako ng liwanag at hindi pa rin sila bumitaw, hindi ko man na kayo madalas nakikita, magkikita-kita pa rin tayo sa FINALS!

In my 31 years of existence here on earth, I learned that we can never control other people’s thoughts and feelings and decisions. We can ONLY control our own self.

Siguro naiba na nga ang perspective ko sa buhay. Di na madilim ang tingin ko sa mundo.

Dahil alam kong me reason lahat ng nangyari sa akin, maganda man o pangit.

Lahat yun nakapaloob sa unique gift ni Lord sa akin. Sabi nga ng isang preacher, We need to see the hidden blessing even in the most hideous situation in our life.

Kung hindi nangyari lahat ng pangit na bahagi na yun ng buhay ko, di ko sana makakasama ang mga taong nasa buhay ko ngayon.

At ngayong binigyan na naman ako ni Lord ng panibagong chapter sa life, panibagong bilang na madadagdag sa edad, panibagong aklat na susulatan, panibagong pag asa na tatanawin at kakamtan…

At higit sa lahat, nagpapasalamat din ako sa aking kapareha ngayon, si Dudung sa lahat ng pang-unawa sa panahong nakakalimot ako ng kagandahang asal. Sa pagkakaron ng mahabang pisi ng pasensya sa panahong pikon na pikon na sya sa akin. Sa pagkakaron ng malalim na self control sa panahong lagpas na ako sa guhit na itinakda. Hindi ko nakakalimutan ang lahat ng ginagawa mong pagtitiis sa bruhilda kong ugali.Sana hindi mo pagsawaan ang UNIQUE kong paraan ng pagmamahal. BWAHAHAHAHAHAHAHA.

PARA SA INYONG LAHAT, NAWAY MAGSILBI KAYONG KRAYOLA AT OIL PASTEL SA PAGPINTA KO SA AKING BUKAS.

JOKE Friday, Mar 4 2011 

Well, makaupdate lang…

 

Di ko lang kasi malaman kung bakit hindi lang isa o dalawang beses ng nangyari sa akin ang ganitong senaryo.

 

Yung tipong parang nagsademonyo ang dila ko =((

 

Nung hayskul ako, meron ako nung kaibigan. Babae. Mayaman sila. Tas one time, may pinakita sya sa aking singsing. Saudi gold daw, yung parang college ring pero hindi. Basta me dragon na design na nasa parisukat na something. Tandang tanda ko pa yun hanggang ngayon, kasi yun ang umukit sa utak ko habang tinititigan ko sa daliri ko. Oo, sa hindi ko malamang dahilan, hiniram ko at sinukat ang singsing… Di ko alam kung bakit. Di naman ako interesado sa mga ala-alahas na yan even until now.

 

Tas ako pa mismo ang humugot nung singsing na yun sa daliri nung kaibigan kong si Bebang. Tas sabi nung tindera nila, masama daw pangitain yung ikaw ang mag aalis ng singsing sa daliri ng taong malapit sayo, kasi magiging dahilan daw yun ng pag aaway nyo o pakakalayo ng damdamin.

 

Dahil malapit ng gumabi nun, hindi ko pa rin alam kung bakit hiniram ko ang singsing at sinabing bukas na lang ng umaga isosoli. Di ko pa rin malaman kung bakit ko ginawa yun.

 

Bago kami naghiwalay ng hapong yun ng kaibigan ko, biniro ko pa syang, pano pag nawala to? Galit galit na ba tayo?

 

Kinagabihan, may isang malayong kamag-anak na nakitulog sa amin. Dalagita na rin, matanda sa akin ng isang taon. Taga baryo sila, kaya minsan nakikitulog sya sa akin. Pinakita ko pa sa kanya yung singsing bago kami matulog. At dahil hindi naman ako sanay na me alahas, hinubad ko ang singsing at nilagay ko sa ilalim ng unan ko.

 

Sa paglalaro ng malanding panahon, kumulog at kumidlat ng napakatalim ng gabing yun. Dahil takot ako sa mga chernelin chenes like that, lumipat ako sa kabilang kwarto para makitulog kina nanay. Pag gising ko kinabukasan, nakaligpit na yung banig na hinigaan ko nung gabi. Wala na yung sing-sing at wala na yung naging bisita namin.

 

Ayaw naman naming magbintang at hindi rin namin pinaalam sa batang yun na me nawalang singsing, pero hindi na pumasyal sa bahay namin EVER yung batang yun.

 

Syempre, kung yung buong kwento ang ikwento ko sa kaibigan ko, mahirap paniwalaan. Singsing yun eh, valueable. Mamahalin daw yun. At ang matindi pa nito, hiniram lang pala ng kaibigan ko sa pinsan nya yung singsing na yun.

 

Ilang panahon ko ding ininda ang pangyayaring yun, hindi na rin naging ganun kaclose ang naging samahan namin nung friend ko na yun. Di ko alam kung anong iniisip nila. Pero yung tindera nila nun, sinabi sa akin na baka daw sinangla ko yun o kung anupaman.

 

Di ko pa alam ang mga bagay bagay tungkol sa sangla nung panahong yun.

 

Dahil nagbiro nga ako na pano kung mawala yung singsing bago kami naghiwa-hiwalay, mas pinaniniwalaan siguro nilang sinadya ko.

 

At eto kahapon na naman naulit ang pangyayari.

 

Eto kasing flatmate ko eh nakisuyo sa aking idaan ko sa koreyos ang sulat nya na papuntang Singapore. Nung kinuha ko sa office nila yung sulat, binibiro biro ko pa syang sa basurahan ko ihuhulog.

 

Pagdating ko sa koreyos kahapon ng hapon, hindi ko mahagilap yung sobre sa kahit saang sulok ng bag ko.

 

Panic attack!

 

Una inisip ko ang buong pangyayari buhat ng kunin ko sa office nila yung sulat hanggang makarating ako sa upuan ko. Kung saan ako dumaan at kung ano ang mga bitbit kong gamit. Medyo malabo yung scene kung umabot ba sa lamesa ko yung sobre at sinilid ko sa bag ko… wala akong matandaan. Umasa akong naiwan ko sa ibabaw ng lamesa ko o baka napasingit sa mga papeles na dala ko kahapon.

 

Tinawagan ko kagad yung friend ko, at sinabi kong pakitingin sa table ko kung andun, kung wala baka nasingit ko dun sa iniwan kong papeles sa isa pang upisina.

 

Ngayong araw nga pagpasok ko, wala daw sa table ko at walang nakasingit na sobre sa mga papeles na dala ko kahapon. Wala sa basurahan ko, wala sa kahit na saang sulok ng lamesa ko.

 

Parang may cut scene sa nangyari kahapon. Kahit pa i-trace ko kung saan ba posibleng napapunta yung sobre na yun.

 

Pero dahil me iniwan na naman akong birong nagkatotoo, nakukunsensya naman daw ako.

 

 

 

Dear Friend Wednesday, Jan 19 2011 

Dear Friend,

Sa puntong ito ng buhay mo, isipin mo naman ang sarili mo. Mabuti kang tao, responsableng anak at kapatid. Mapagkakatiwalaang kaibigan, masasandalan sa panahon ng pangangailangan.

You also deserve to be happy.

Sana lagi mong isipin yan.

At sana, maging maingat sa mga magiging desisyon. Wag maging impulsive, wag magdesisyon habang emotional ka pa. Palipasin mo muna ang mga bugso ng damdamin. Bigyang puwang ang pag iisip…

Alam kong nahihirapan ka sa sitwasyon mo. Nalilito, naguguluhan, nasasaktan sa mga maaring mangyari at sa mga nangyayari na rin.

Bilang kaibigan mo, all I can give is just an unsolicited advice for you. Anuman sabihin ko o ng iba pang taong nakapaligid sayo, it will still be your decision in the end.

Buhay mo at kinabukasan ang nakasalalay jan. Kaligayahan mo in the long run.

Ang tao pag sobrang inlove, nawawala na lahat ng rasyonal na pag iisip. Nawawalan na ng direksyon ang bawat desisyong ginagawa. Dahil nabubulagan na sa sobrang pagmamahal.

Sabi nga ng isang kanta: Too much love will kill you…

Its true, dahil minsan sa buhay ko, nagdaan din ako sa ganyang sitwasyon at alam nating pareho na hindi maganda ang kinalabasan.

Hindi man pare-pareho ang kapalaran ng tao, pero nung panahong nasa crossroad ako ng buhay ko, isa ka mismo sa nakakakita ng mga bagay na hindi ko nun makita.

Ganun daw yun, kung di ka lalabas sa kahon na kinalalagyan mo, di mo makikita kung anong sitwasyon ang kinakaharap mo.

Bilang kaibigan mo, responsibilidad ko rin naman siguro sayo na idescribe kung anong nakikita ko sa loob ng kahon mo. From then, nasa sayo pa rin ang final say.

Ano ba ang nasa loob ng box?

Ikaw at si Current. Si Current na akala mo gumamot na sa sugatang puso mo na winasak ni Ex. Winasak na nga, ginutay-gutay pa. Di ka na nga tinirhan ng para sa sarili mo di ba? But past is past. Akala mo naka move on ka na. Dahil kay Current. Naging masaya ka na. Akala mo.

All of a sudden, natisod mo si Ex. At gumuho na naman ang mundo mo. Isang iglap lang. Naglaho na ang sayang nararamdaman mo kay Current. At parang gusto mo na ulit papasukin sa loob ng kahon si Ex.

Mahal mo pa si Ex, kasi naguluhan ka. Kasi kung di mo na sya mahal, di ka maapektuhan ng ganyan. Sabi mo nga tanga ka. Sabi ko pa, oo nga, tanga ka.

Ang problema walang gamot sa tanga.

Sabi ni Bob Ong, walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.

Sa isang iglap lang, nawalan ng saysay lahat ng nararamdaman mo kay Current. Nawalan ng halaga ang mga plano nyo, ang mga bagay na pinagdaanan nyo.

Siguro nga, saglit na panahon lang ang pinagdaanan nyo ni Current kumpara sa labing tatlong taong naging kayo ni Ex.

Hindi ito tungkol kay Current. Tungkol ito sayo. Maaring hindi naman matibay ang relasyon nyo ni Current. Pero sana, wag mong isiping solusyon sa kaligayahan mo ang papasuking muli si Ex.

Hindi na importante kung mahal ka pa ba ni Ex o hindi na. Kaya ka natatakot na gawin ang mga bagay na gustong gusto mo ng gawin ngayon. Ang pabalikin sa loob ng kahon si Ex.

Sabi ko nga, hindi ito tungkol kay Ex o kay Current. Tungkol ito sayo.

Mahirap ng baliin ang takbo ng utak mo. Na nagsettle ka na lang sa usaping, TANGA KA, kaya magagawa mo pang tanggapin syang muli sa loob ng box.

HINDI KA TANGA.

Nabubulagan ka lang ng matinding pagmamahal mo ngayon. Pagmamahal na hindi ko alam kung saan ka dadalhin.

Wala ako sa posisyon na magpayo sayo, kasi ultimo naman sarili kong love life, may pinagdaanan din.

Lagi mong tandaan, na hindi lang naman si Current o si Ex ang choices. Maaring hindi pa lang sya dumarating. Wag mong madaliin ang sarili mo.

Pwedeng dahil napatunayan mong hindi ganun katibay ang nararamdaman mo kay Current eh palabasin mo sya sa loob ng kahon. Pero hindi rin naman nangangahulugan na kelangan mo ng ibalik sa loob si Ex.

Karapatan mong bigyan ng respeto ang sarili mo. Naibalik mo na yun nung lumabas sa loob ng kahon si Ex, sana manatili itong nasa yo.

Kesehodang mahal ka pa o hindi na ni Ex, hindi ko nakikitang makakabuti sya para sayo. Pero sabi ko nga, nasa sayo na yan kung gugustuhin mo pang magpakatanga sa piling nya.

Sana this time, wag puro puso ang pairalin mo… dahil saging lang ang may puso, saging lang!

Break Friday, Jul 17 2009 

Dear Friend,

Nalungkot naman ako  sa nalaman ko sa lovelife mo…

alam ko masakit ang nangyari sa inyo pero lagi mong isipin na bawat bagay na nangyayari sa buhay natin, gaano man kasakit ay may reason…

kahit na minsan hindi natin makita ang reason na yun for now…

be strong lang at isipin na kaya mong mag survive without him kahit pa gaano mo sya kamahal…

13 years is not a joke…marami at malalim na ang pinagsamahan nyo at mga hinabing ala-ala…

 

pero life must go on, gaano man kahirap tanggapin but we should…

isipin mo na lang lagi na me magandang ibubunga sa buhay mo ang nangyari sa inyo…

ganun daw talaga ang mga nangyayari mostly sa mga long-term relationship…

most of the time, di lang din nagkakatuluyan…

one of them will fall out of love o mabobored or magtataksil…

nakakalungkot lang na sa inyo nangyari yan…

kung kelan pa may plano kayong magpakasal and all…

kung magbiro talaga ang tadhana di natin masabi di ba?

bata ka pa naman, marami pang bagay na mangyayari sa yo..

mas maganda…

mas better…

explore your wings lang…

try to fly without him…

try to explore yourself without him..

baka masurprise ka na marami ka palang bagay na pwede pang gawin kesa sa nkasanayan na kesa sa mga dati mong ginagawa…

much much more better things na dapat nangyari sa buhay mo…

opportunities in your life will come i’m telling you…

maraming marami…

dont dwell on the pain and heartaches…

hayaan mong paduguin mo ng todo ang puso mo at ibuhos mo lahat ng luha mo…

normal lang naman na umiyak kasi nasaktan ka….

mas nakakatakot kung magpapanggap ka na hindi ka iiyak tas bigla na lang sasabog yan…

then gising ka one day na tapos na yung moments mo… bagong jen ka na…

keep in touch lang lagi…

kahit malayo ako, andito lang ako handang makinig, handang sumuporta…

this is now your time to love yourself more…

alam ko mas madaling magpayo kapag wala ka sa sitwasyon di ba?

ikaw tagapayo ko noon, ako naman ngayon!

love you jen..miss ko na kayo sobra…

Love lots,

Ate Jing

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 990 other followers