A Day with the Angels in White Cross Children’s Home Thursday, Aug 22 2013 

I rarely write in English as I have not much “baon” of english in a day. But this post might circulate with my colleague so there’s a need for me to “spokening dollar” here. I do apologize to grammar nazis out there in advance for my shortcomings =)

Photo credits to Ms Cyril Gabaldon & Mr Emmi Cuevas

CHOS!

It was a gloomy Saturday morning when our group went to visit the angels of White Cross Children’s Home in San Juan City. It is a shelter for the homeless and abandoned children ages 0 to 13.

Before that day, our Design Director and Project Director initiated this activity by pooling in some donations in cash and in kind from team members of Solaire Project Team (Construction).

With the help of kind-hearted soul who participated, we were able to pool in cash donations amounting to more or less Php 55,000.00, some toys and old clothing.

The donated cash was spent in buying boxes of groceries, diapers, underwear, medicines, formula milk for infants and some vitamins. Of course these things were coordinated first to White Cross’ representative before we bought the supplies.

Despite the rain showers that day, we were able to carry on with our mission: to share our blessings in the least that we could do to these needy children.

When we arrived at the home, you can easily feel that aside from the basic things that donors can provide, what they most needed is love and care from their parents.

Yes they have concrete shelters, volunteers that are attending to them, but still they lack the warm embrace of their own flesh and blood.

It was a heart breaking moment to meet those abandoned angels. Once you interact with them, you will feel how blessed you are in this life time.

You might be suffering from worst in your life but seeing them will lighten the baggage that you have.

You will be thankful for what you have in your life.

I can still say a lot of things on how we felt that blessed day but I can’t continue anymore with my spokening dollar writing.

DON’T ENGLISH ME I’M PANIC” mode na me =)

As they say that a picture paints a thousand words so here are the photos that we had for you to imagine a million words to describe it.

IMG_7081 IMG_7083 IMG_7086 IMG_7087 IMG_7088 IMG_7090 IMG_7091 IMG_7093 IMG_7094 IMG_7095 IMG_7096 IMG_7101 IMG_7102 IMG_7106 IMG_7115 IMG_7116 IMG_7117 IMG_7119 IMG_7120 IMG_7121 IMG_7122 IMG_7123 IMG_7124 IMG_7128 IMG_7133 IMG_7134 IMG_7135 IMG_7136 IMG_7137 IMG_7138 IMG_7139 IMG_7165 IMG_7145 IMG_7146 IMG_7147 IMG_7148 IMG_7150 IMG_7152 IMG_7162 IMG_7163 IMG_7164 IMG_7166 IMG_7172 IMG_7182DSCF0986 DSCF0980 DSCF0978

Blessings in Disguise (Work In Progress) Tuesday, Jun 25 2013 

“It always rains the hardest on the people who deserve the sun”

Ansabe sa google.

Months ago, nasa brink na ako of giving up.

Sa Night Club.

Parang untolerable na kasi yung sabotahe na nangyayari sa pagmamacho-dancing ko.

Isa sa pinakaayaw kong mangyari yung mawalan ako ng gana sa trabaho, sa katrabaho at sa pinagtratrabahuhan.

During that time, biglang may kumatok na opportunity pabalik sa sakahan ng Macau, sinubukan kong mag audition sa pagsasaka with matching tumbling. Akala ko yun na yung break na inaantay ko, para umiwas sa sitwasyong napasok ko.

Pero siguro it’s not my time yet to shine bright like a diamond. Like Daimos in the Sky.

I failed!

For the second time. Click mo tong link na to para sa kwentong perstaym:

Masyado atang mataas ang tinarget kong performance this time. Kumakain na ng buhay na manok ang hinahanap nila, hindi pa raw ako handa. Pang tumatawid sa naglalagablab na baga pa lang daw ang kaya kong gawin.

Disappointed man pero madali naman akong makamove on.

Anyway kaya ko pa naman sigurong itolerate ang sabotaheng ginagawa sa akin ng Star of the Night na ito. Added factor kasi yung tinuring mo yung tao na yan na parang kapatid, sinalo nung mga panahon ng kanyang pangangailangan. Pero ganun talaga siguro ang buhay.

Only time can heal the broken heart. Charaught!

Napapansin na rin ng mga Floor Manager sa Night Club ang ginagawang pang aalipin sa akin (charing), maging sila ay nahihirapan kung panong hindi kami magkakaron ng Clash Dance Competition ni Star of the Night.

Nakailang lipat din ako ng pwesto. Hanggang sa isang araw kinausap ako ng isa sa mga direktor.

Hindi na daw ako magsasayaw.  Sa entablado. Pa-table table na lang daw ako. Chos!

Kelangang hasain ang coordinating skills. Ang charm.

Bagong kaalaman na mailalagay sa resume.

At ang pinakamaganda sa lahat, hindi ko na boss si Star of the Night =)

Akala ko nung una hindi na matatapos ang kalbaryo ko sa kanya.

Once again, i learned something from that situation.

 

NEVER GIVE UP!

ALWAYS BELIEVE THAT SOMETHING WONDERFUL IS ABOUT TO HAPPEN.

 

 

 

CHAPTER THIRTY FOUR Thursday, Jun 20 2013 

Today marks my 34th year in this world.

Who would have thought that I’m already 34… THIRTY FOUR!

Parang 43 lang!

Enjoy!

Enjoy!

Charaught!

Though my life is far from perfection, i still have loads of blessings to be thankful of.

My life has been an open book to all my friends on and off cam… Chos!

Up to the most uninteresting details of my everyday life was published. As I always said, if you want to hear the gossip about my “complicated” life, ASK ME and I will tell you with delight all about it =)

Forgive me my friends for being so loud in my social media account (facebook, instagram and twitter). I don’t have a real social life that’s why =))

Year 33 has been very nice to me. There were UPs and DOWNs but still I made it! I survived! And now I’m in Chapter 34 of my book called LIFE.

Just to have a recap of the highlights of my Chapter 33, here it goes:

  1. I was able to work in 3 Asian countries (Macau, Malaysia, Philippines) in a year. My “may-nunal-sa-paa” in me is soooooo fulfilled.
  2. Celebrated Christmas and New Year with my family after 6 long years =)
  3. Lost a FRIEND and found new ONES. Yes its a low point of my life to have a rift with a friend so dear to me. I’ve done my part to resuscitate it, but sometimes there are things or people that you will lose along the way. Part of growing up. Though i lost one, I was able to gain new ones. Its one of my high point to meet my new friends in the project that I am into now and meet personally the people that I knew 4-5 years ago online and its a rewarding experience for me.
  4. I AM BACK IN MY HOMELAND. For the past 6 years, I’ve been working overseas and been in different countries to support my kids. And now that our project is based in Manila, I have the opportunity to be with my family more frequently and still earn for them. What more can I ask for?
  5. New Crib. Enough Said =)
  6. They said that LONG DISTANCE RELATIONSHIP IS POSSIBLE, BUT CHALLENGING. Now I know the true meaning of it. It’s not easy, but atleast we are surviving. I am hoping that there is a reward for those who wait =).
  7. REUNIONS. I was able to attend reunions after reunions. Family and friendships reunion. I was deprived for a long time to gather with the people so dear to me and Y33 is the grandest year ever!
  8. LOST A PART OF ME. For the longest time of suffering, I decided to have my tonsils removed. No risk of rheumatic heart or kidney diseases anymore. Not with frequent tonsillitis as the reason.
  9. MAN IN MY LIFE. Despite the distance and my unexplainable mood swings, I still have this man patiently loving me. I am thankful for having each other. I never thought that there will be someone who would stay with my life that long. We will be turning 4 this December and looking forward to more years of being together. AKU CINTA KAMU.
  10. FAMILY. Casuy. Tetay. Nanay. Tatay (RIP), Ymay. Cha. Cleng. Ylef. Gelo. My wind beneath my wings. We may fight, argue, misunderstood each other but at the end of the day we are family. We cannot change that fact. We may not the showy type of family who would utter i love yous to each other but we know within our hearts that we do. We don’t usually “beso” each other but it doesn’t mean that we don’t care. MAHAL KO KAYO!

Summarizing my Y33, i realized that i have more UPs than DOWNs.

I.AM.BLESSED!

To all of you who’s been a part of my Y33,

SALAMAT!

THANK YOU.

M’ GOI SAI.

TERIMA KASIH.

با تشکر از شما .

JING

Maganda Ako Sana Kaso Lang Bingi Friday, Mar 23 2012 

Opo ako po yan =))

Nabingi po ako ng minsang tinira ako sa tenga. So ilong na lang talaga ang virgin sa akin…

=)))

Seryoso bingi ako. Hindi naman yung wala talagang naririnig kundi may naririnig ako pero hirap akong intindihin.

Okay, tanga siguro ang tawag dun.

Nakuha ko to nung nagpaalipin ako sa planta na gumagawa ng mga printed circuit board para sa Pentium 4 na produkto ng Intel.

Naks dunung-dunungan!

Nung mga panahong isinasabuhay ko pa ang karera na aking pinag ahitan ng kilay.

Kasing laki kasi ng bungalow na bahay ang mga makina na iniinspeksyon namin nung araw, kaya nadevelop ko yung tinatawag nilang Industrial Deafness!

Pampasosyal na katawagan sa tanga ganun!

Hirap akong intindihin ang kausap ko kapag di ko nakikita ang buka ng bibig nya. Kadalasan ugong lang ang nadidinig ko o yung mga huling salita…

Kaya hindi ako pwede sa call center… Barok na nga ang english ko, bingi pa… Kumusta naman yun di ba?

Ang pinakamatinding struggle ko talaga eh phone conversation, dahil hindi ko nakikita ang buka ng bibig ng kausap ko…

Kapag video call naman at mabagal ang internet, asahan mong delayed din ang processing sa utak ko ng sinasabi ng kausap ko

=))

At kanina nga, may tumawag na namang bagong headhunter sa akin na mula sa bansang Singapuri….

Kumusta naman ang combo ng bingi na nga, me ubo at sipon pa di ba? Tas yung kausap ko me accent!

Hnnnnggggg!

Sa loob ng 45 minutes naming pag uusap, mas madami ang nasabi kong,

“Sorry, can you repeat that again? Sorry I cannot hear you…  Sorry, what’s that again?”

Sorry Sorry Sorry!

Hala tuwad!

Bonggang Bonggang Resyumey Thursday, Mar 8 2012 

Noong isang linggo, nag long distance call sa akin ang isang headhunter na Aussie mula sa Singapuri.

Meron daw syang apat na kliyente na nangangailangan ng Macho Dancing Skills ko…

Nagbigay sya ng range ng kayang i-offer ng kliyente… sampol:

… Salary is not amazing though, about sg$???… Maybe we could get a few dollars more if we show your linkedin pic!!

Yan ang sabeh!

Kaya ang ginawa ko, pinasa ko yung CV ko ayun sa rekwes nya…

Eto lang naman yung picture na sinasabi nya

Huhmeyzeng!

 

Ngayon lang ako nakakita ng CV na ganyan ang picture =))))

Anong resulta?

Ayun di na ulit nagparamdam…

Hihihihihihihi

Half Way Through It… and then I was Defeated! Tuesday, Feb 21 2012 

THIS JUST GOT IN…

Di na nakaintay ng 6 working days, agad agad may resulta

After i post this entry, nag CR ako, pagbalik ko sa desk may email galing kay Johnny.

I DIDN’T GET THE JOB…

There is another candidate daw na mas deserving kesa sa akin para sa position.

Syempre kahit naman sinabi ko sa post ko sa baba na okay lang eh madidisappoint ka pa rin ng slight di ba?

Tao lang ako…

Charot!

“its not what you know, but who you know that matters”

Sige ako na muna ang bitter =((

Original post below:

* * * * * *

I guess all of us believes in the power of prayer right?

Anuman ang relihiyon ng isang tao, what matters most is his FAITH on the one that he believes in.

Sa kaso ko, hindi ko lang akalain na sobrang bilis ni Lord sumagot.

Though im still half way though my battle, the important thing is HE continuously shows me his little miracles in my life.

Simula nung pumatak ang buwan ng Pebrero, ginagapang ko na ang lahat ng posibleng kuneksyon para makapenetrate ako dun sa bagong bubuksan na proyekto dito sa land of chopsticks and dragons.

Kakaiba kasi ang larangan ng karera dito, hindi gaanong uso ang “equal opportunity” sa paghahanap ng trabaho. Mas laganap dito ang “backer” system. Kung me kilala ka sa loob, mas may chance kang makuha.

Eh kumusta naman na dayuhan lang ako dito at walang “powers” na makapagpabacker sa mga nasa loob?

I believe na kung sa experience at qualifications lang din naman bilang macho dancer eh BONNA KID ako – BATANG MAY LABAN!

Halos labing isang taon na rin akong nagpapaalipin sa larangan ng kwarta. BWAHAHAHAHA.

At limang taon na rin akong nagpapakadalubhasa sa Pole Dancing at Giling Giling skills na syang kelangan dun sa magbubukas na proyekto dito.

May edge na akong di hamak kumpara sa mga ibang makakalaban ko sa dance showdown.

Kaya ang kelangan ko na lang, eh yung taong maari kong mapakitaan ng aking dancing prowess bago pa man ako isalang sa entablado para sa judgment day.

Ang ginawa ko, ini add ko sa LinkedIn ang mga taong sa tingin ko eh makakatulong sa akin na mapansin ang aking Giling-Giling skills.

Ilan na rin yung naconnect ko sa LinkedIn pero hindi pa yata sila ang tamang tao na kelangan ko.

February 9, 2012 (Huwebes) ng gabi ng subukan kong iconnect itong si Johnny. Kinabukasan pa nya tinanggap ang rekwes kong kuneksyon sa kanya.

Nung tinanggap nya ang rekwes ko, hindi na ako nag aksaya ng panahon at nilatagan ko na sya ng makabagbag damdaming nobela ng buhay ko. Kung paanong mula sa pagiging taga punas ng lamesa eh naging Macho dancer ako sa club na aking pinagtratrabahuhan.

Ang Aking Nobela

At dahil byernes ko na ng hapon naipadala ang pang MMK na nobelang ito… Hindi nya agad siguro nabasa at nasagot.

February 11 noong maglakas loob akong isulat sa blog na ito ang pagkukumbinsi ko sa sarili ko ng pagiging positibo sa mga rekwes na hinihingi natin kay Lord.

Hence, Claim It was written.

Siguro talagang matindi ang power of prayer, dahil kinalunesan, February 13 ng magbigay ng konting liwanag ang meralco sa akin… Sumagot si Johnny.

Ang sagot sa Novela

Praise the Lord indeed!

Talagang super thankful na akong kahit papano, me sumagot na sa mga taong pinadalhan ko ng liham.

Sya na siguro talaga ang tamang tao para lapitan.

Kinabukasan, February 14 ng makatanggap ako ng tawag na hindi ko inaasahan. Charot!

Caller: Hello, may I speak with Marifel pls?

Ako: Yes, who’s this?

Caller: This is Tony from KFC! (pramis yan talaga ang dinig ko as in)

Ako: KFC? Sorry sorry, but i didn’t order KFC!

Sa puntong ito, naglalakbay na ang utak ko, kung nag order ba ang mga kasama ko ng KFC at pangalan at numero ko ang binigay?

Caller: No No No (giggling), this is Tony from KFC! I emailed you yesterday blah blah blah

Saka ko lang narealize na BINGENGOT nga pala talaga akong magaling!

At nung narealized ko na kung sino ang caller, eh saka ako nahimasmasan…

So ayun, isinet ang aming panayam. Magdala daw ako ng sexy outfit at sarili kong pole. Kung gusto ko daw magdala na din ako ng buhay na manok!

Joke…

At dahil para daw mas magleave ng impression sa caller, kelangan daw banggitin mo ang first name nya. Kaya nung mabababay na kami sa isat isa umepal ako…

Ako: Thank you TONY for the call, see you on friday!

End of Call

Pagdating ko sa desk ko, chineck ko agad yung nag email sa akin nung nakaraang araw.

POTEK!

JOHNNY pala ang pangalan at hindi TONY!

FHAILED!

Parang tanga lang di ba?

Buti na lang love pa rin ni Lord ang mga tanga.

So ayun nga, nabigyan naman ako ng pagkakataon na magperform ng aking macho dancing skills at giling-giling skills nung nakaraang byernes. At ang isa sa mga hurado eh yung dati kong amo na kakaalis lang nung katapusan ng enero. Yung nagfarewell…

Sabi antay daw ako ng dalawang linggo bago malaman ang resulta.

Kaso lang nung lunes, nabalitaan ko na may iba pa palang aplikante mula dito sa aming night club.

At aaminin ko, nabawasan ng onti ang faith ko na makukuha ko yung trabaho na yun.

Dahil minions ni Ex-Amo yung ibang mga pagpipilian.

Nasa kalagitnaan na ako ng laban, ng biglang mawalan ako ng konting bilib sa aking SANDALAN.

Sorry Bro! Kung for some time nawalan ako ng tiwala sayo… Paki boost nga po ng faith ko….

Anyway, kundi man ako makuha dun, isipin ko na lang na may mas maganda kang ibibigay para sa akin.

So may 6 working days pa akong ipaghihintay at patuloy na ipagdarasal.

Samahan nyo ako pls!

Lutong Macau – Panda Portuguese Restaurante Tuesday, Feb 7 2012 

Sunod sunod na dine out experience na yata ang nararanasan ko nitong mga nakaraang araw, isa na dito ay noong February 1 kung saan lumabas again ang DC team para sa Farewell dinner ng aming DC Manager.

Well, dahil nga patapos na ang proyekto kaya mag uumpisa ng mamaalam ang bawat isa…

Di naman sya natanggal kundi sya mismo ang umalis para lumipat sa Galaxy project… Sana lang sa panahong mangailangan na sila ng bonggang bonggang macho dancer eh isa ako sa mga kunin nya…

Hihihi….

Si Edwin the boss ang nag interview sa akin nun via skype para nga sumali sa team nila dito sa Macau… Nasa Singapore pa ako that time.

At para maiba naman sa usual na Chinese food get together, this time naman eh sa Panda Portuguese Restaurante na matatagpuan sa Old Taipa, Macau.

ang mga pagkain

ang iba pang pagkain

Masarap at sulit ang bawat serving nila dito. Usually, sa mga portuguese restaurant ay may complimentary bread na siniserve para pampagana… Kaya gusto ko sa mga ganitong klaseng kainan, me mga libreng tinapay…

Masarap ang portuguese bread, na madalas ay hindi mo mabibili sa mga usual na panaderya. Sa mismong restaurant mo lang sila makakain. Crispy outside at manamis namis inside.

ang plato

Eto kami o…

isang mahabang dulangan

Fannie, Shawie, Me, Mae

Sila

the group

Farewell boss, hanggang sa muling pagkikita, wag mo sanang maalala ang mga pag iimbento ko ng sakit para lang makapag absent.

At ang mga away namin ng bisor ko… hihihihihihihi…

Wag mo rin sanang maalala na nagtitigas tigasan ako kapag me mga pinapagawa ang tamad tamaran ang ibang tao at ipapasa sa amin ang mga bagay na kaya naman nilang gawin, tulad ng pag burn ng CD, pag print ng dokumento…

Sana ang tanging maalala mo lang eh ang kagandahan at alindog kong taglay… Hihihiihihi…

Natapos ang gabi sa pag chillax namin sa Old Taipa Taverna ng malamig na inuming nakalalasing…

Hanggang sa muli boss!

Edwin the Boss

*ang mga larawang naipaskil ay kuha ng aking kasamahang pinoy na si Edmund

Lutong Macau – a Pre-CNY Lunch Celebration Tuesday, Jan 17 2012 

Lafang na naman!

At dahil uber sa galante ang Supervisor namin, kada may okasyon eh nagpapakain sya talaga ng bonggang bongga. Sya yung bisor ko na naikwento ko na rin dati na sa sobrang bait eh pati mga bagay na hindi na namin dapat trabahuhin eh tinatanggap pa rin… Ang bisor ko na kahit na lagi kaming nag aaway dahil sa mga palabada eh mas pinili ko pa ring maging amo sya. Bakit hindi? Eh lagi kaming binubusog hihihihihihihi…

Sya din ang bisor ko na from XL size eh pumayat na sya ng bonggang bongga papuntang small… Akalain mo yown!

Sya ang torn among the beautiful roses of Podium Team. Anim kami sa Podium Team, dalawa silang HongKee at isa lang syang Lalake, tas apat kaming Pinay, sa podium pa lang yan. Sa buong DC team, 7 silang Hongkee, isang Nepali, at 14 na OFWs. O di ba Pinoy Invasion!

Anyway, hindi tungkol sa kanya ang post na ito kundi tungkol ito sa lafangan namin kahapon! Burp!

Masasabi kong “Him Already” ang amo ko sa pagpili ng mga masasarap na lafangan dito sa Macau. Sa isang taon mahigit kong pagtratrabaho sa team nya, limang beses na rin nya kaming naililibre plus yung mga mamahaling cake na dinadala nya sa office… Dahil nga majubis sya last year kaya siguro nasuyod na nya ang mga masasarap na kainan dito at nishi-share lang nya sa amin ang experience.

Sa isang maliit na Portuguese Restaurant nya kami dinala, sa Galo Restaurante, na matatagpuan sa maliit na eskinita ng Old Taipa.

Kung nakakadisappoint na experience yung pa-dinner ng manager namin nung isang araw dahil sa hindi ko feel ang mga pagkain, well well well… simot sarap ang mga pagkain dito… walang tapon!

The pictures below will tell it all!

20120117-214129.jpg

On our way to the venue

20120117-214225.jpg

Deciding what to order

20120117-214334.jpg

Waiting for our food

20120117-214430.jpg

Awesome Interior Design

20120117-214534.jpg

Old Memorabilias

20120117-214631.jpg

Galo Restaurante, Old Taipa, Taipa, Macau

20120117-214702.jpg

Round 1

20120117-214751.jpg

Round 2

20120117-214837.jpg

Waiting for our taxi going back to work

O di ba? sa loob lamang ng isang oras natipas namin ang mga pagkain na yan!

Burp!

Proyekto Thursday, Jan 12 2012 

Nalalapit na naman ang pagtatapos ng aming proyekto…

 

Umaasa na namang may sasalong bagong trabaho kapag nagkatanggalan na naman dito…

 

Eto kasi ang hirap kapag project based ang trabaho, kapag tapos na ang project, malamang sa hindi tapos na rin ang pangangailangan nila sayo…

 

Sa 2nd quarter nga ng taon, magbubukas na yung dalawang hotel na uukupa sa ginagawa naming ito kasabay ng pagbubukas na rin ng panibago na namang casino.

 

Gusto ko sanang magworry, pero parang insulto naman kay Lord kung gagawin ko yun di ba?

 

Ang gusto ko lang naman sabihin, sakaling mangailangan kayo ng macho dancer sa mga susunod na mga araw, wag nyo akong kalimutang alalahanin…

 

Magaling akong gumiling… hiihihihiihihi…

 

Puyat Wednesday, Oct 14 2009 

Oo puyat ako, ilang araw na, i mean ilang linggo na.

Kasalanan ni Kuya.

Simula ng mag umpisa ang Pinoy Big Brother sa ABS-CBN, hindi na ako nakakatulog ng maaga sa alas dose. Pano ba naman natatapos ang PBB dito sa TFC Singapore at 12MN.

Minsan kapag nalilipasan na ako ng antok, napapanood ko pa ang Wowowee hanggang madaling araw.

Grabe, kung pwede lang gumulapay na lang ako sa ilalim ng lamesa ko eh ginawa ko na. Talagang napapapikit ako sa trabaho dahil sa puyat…

At ang kaadik-adikan kong ginawa simula ng magbukas ang bahay ni kuya ay ang paghihintay ko ng PBB Spooktacular nung sabado hanggang alas tres y media ng madaling araw, para lamang madisappoint na pinalabas pala ulit yun nung mga alas otso y media ng umaga kinabukasan.

O-ha!

Ewan ko ba, nahooked na ako sa PBB. Ahahahaha… Nakakatuwa kasi ang twist ng reality show ngayon at syempre nakakatuwa ang mga funny antics ni Melay who reminds me of my long lost bff na si Sisa… Kapag nakikita ko si Melay sa TV parang si Sisa ang nakikita ko. Hindi yung mudra ni Crispin at Basilio ha, kundi yung friend ko na si Chery Lyn… Yaikks di ko feel na tawagin sya sa full name nya. Bwahahaha…

Syempre ang kababayan kong si Jason effortless sa pagpapatawa. Kahit siguro seryoso ang lines na dinideliver nya eh matatawa ka na sa kanya. Natural na natural. Bwahahahaha…

Syempre gusto ko mag bahagi ng opinyon ko sa mga twist sa buhay ng mga housemates. Sa House B, eto masasabi ko:

Any moment madedevelop si Kath sa fake husband nya na si Patrick. Di ba nga one and only jowa nya si Jimson (real husband nya) kaya wala pa syang comparison kung anong pakiramdam na may karelasyon na iba. Tas eto namang si Patrick eh super pa sweet ke Kath, tas pakiramdam ko, hindi ganun kasweet si Jimson sa kanya during the course of their relationship plus the fact na hanggang ngayon masakit pa rin kay Kath yung ginawang pambababae ni Jimson before.

Sa palagay ko, kahit na part of the game yung sitwasyon nila, di mapipigilan ni Kath na magcompare. Sabi nga ng matatanda: Don’t play with fire, soon you’ll be the one cooking over it.

Though hindi nila ginusto mapunta sa sitwasyon na yun, hindi rin nila mapigilan, lalo na si Kath na vulnerable sa feelings nya, na madevelop sa taong mas nagpapakita ng care at sweetness sa kanya.

Kawawa rin yun real life wife ni Patrick, ano kayang nararamdaman nya habang napapanood nya ang mga nagaganap sa bahay ni Kuya? Kahit pa sabihin nating laro lang yun, kung me history na si Patrick ng pambabae. Ngayon nakikita ng wife ni Patrick kung pano dumiskarte si Patrick sa mga naging jowawers nya…

Hay kakalurkey! Good luck sa mga relasyon nila…

Sa House A naman, maloloka ako kay Rica. Bwahahahaha… sya ang talagang maraming suggestions kung papano sila magmumukhang sweet-sweetan ni Rob.. Bwahahaha..taking advantage of the situation..

Ahahahahaha…

Natutuwa din ako kay Princess, lalo na sa mga pagsagot sagot nya ng pabalang kay Big Brother…

Kinilig much din ako sa pagkikita ni Jason at Maja Salvador. Ahahaha..parang teenager lang…

“A-ah di man la-ang nagpasabi at nang nakapag handa, tong taong a-re ga!”

Yan yung nasabi ni Kabayang Jason kay Kuya nung makalabas si Maja sa confession room…

Yun lang, abangan ko na lang sa mga susunod na gabi ang mga susunod na mangyayari…

Next Page »

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 990 other followers